Monday, May 31, 2010

ALAMAT NG KAMATIS

Noong unagn panahon sa isang malayong bayan, ay may isang babae na masasabing walang suweret ssa buhay. Siya ay si Kamalia. May asawa’t mga anak si Kamalia. Ngunit siya’y nagtiis ng katakut-takot na hirap.

Maraming bisyo ang asawa ni Kamalia. Bukod sa hindi na siya nabibigyan ng pera ay sinasaktan pang madalas.

Dahil sa halos walang ibili ng pagkain, naisipan ni Kamalia na pumasok na labandera sa kalapit-bahay. Nagtiis siyang maglaba sa buong maghapon. Hindi niya maatim na makitang ang kanyang mga anak ay nag-iiyakan sa gutom.

Nang malaman ng kanyang asawa ang paglalabandera niya ay palaging kinukuha ang kinikita niya. Yao’y inuubos lamang sa alak at sugal. Pag hindi naman niya ibinibigay ay sinasaktan siya.

May mga kapitbahay na naaawa kay Kamalia. Madalas ay binibigyan ang mag-iina ng pagkain at mga lumang damit.

Gayon na lamang ang galit ng asawa ni Kamalia nang mabatid ang tungkol sa pagbibigay-tulong. Kundangan’y ayaw nitong tatanggap ang asawa’t mga anak ng anumang tulong sa mga kapitbahay. Pinagsabihan si Kamalia na pag tumanggap pa ng mga bigay ng kanilang kapitbahay ay ciguradon masasaktan siya.

Bunga niyon, hindi na binigyan si Kamalia ng kahit na naong tulong ng mga mababait niyang kapitbahay. Ayaw nilang masaktan pa ang kaawa-awang babae. Nahabg ang panganay na anak ni Kamalia sa kanya. Kaya napilitang magtrabaho ito. Paglilinis ng sapatos, doon sa bayan, ang kanyang hinarap.

Nang matuklasan ng ama na kumikita ang anak sa pamlilimpiyabota, katulad ng ginwa sa kanyang ina, ay kinuha rin niya ang kinikita. At gaya ng dapat asahan, inuubos din sa sugal at alak. Sa gayon, madalas na hindi kumakain ang mag-iina.

Dahil sa patung-patong na kahirapan at labis na panghihina dala ng kakulangan sa sustansiyang kailangan ng katawan, nagkasakit si Kamalia. Hindi nagtagal ay namatay siya. Bago nalagutan ng hininga ang kahabag-habag na may nasabi sa mga anak.

Ang bangkay ni Kamalia ay inilibing sa likuran ng kanilang bahay. Hindi nagtagal, may tumubo ron na isang halamang ang bunga’y mapupula. Nagtaka ang lahat sa nasabing halaman. At nang kanilang subuking tikman ang bunga ay nasarapan sila.

Dumami ng dumami ang nasabing halaman. Ang bunga niyon ay naipagbibili ng magkakapatid sa mga tagabayan. At bumuti nga ang kanilang buhay, katulad ng sinabi ng kanilang ina bago ito namayapa. Nagkatotoo rin na nagbago ang ugali ng kanilang ama. Nasabi ito sa mga nagawang pagkukulang. Minahal na niyang mabuti ang mga anak.

Ang halamang nagbigay ng bagong buhay sa mga anak ni Kamalia ay tinawag na Kamatis. Ito’y kuha sa pangalan ni Kamalia at sa kanyang pagtitiis sa buhay – Kamalia…pagtitiis. At magmula noon, ang Kamatis ay nakilala bilang isang masarap na pagkain at pampalasa sa ulam.

ALAMAT NG PAGONG

Noon ay hindi pa nakikilala sa Kapuluan ang Kristiyanismo. Gayunman, ang mga katutubo’y kumikilala at sumasamba sa isang Dakilang Lumikha.

Balangay ang tawag sa mga bayan-bayanang tinitirhan ng mga tao noo. At sila’y may kani-kanilang pinuno at pamahalaang sinusunod.

Isang araw ay inatasan ni Bathala si Barangaw na pumanaog sa lupa at tignan ang kalagayan ng mga tao. Si Barangaw ay isang matapat na sugo ng langit. Mula sa kaitaasan ay madalas siyang bumababa sa lupa. Lubha siyang makapangyarihan. Nakapag-iiba siya ng anyo. At, kung ibig niyang pakita sa tao at nakikita siya, dapwa, kung ayaw nama’y ginagamit niya ang kanyang tagabulag. Siya rin ay may karapatang magparusa sa mga taong magparusa sa mga taong labis ang lupit o sama. Lagi siyang may dalang tungkod paglumalakad.

Sa kanyang paglapit sa palsyo ni Lakan Mikas ay nakarinig siya ng nakalulunos na mga daing, ungol, at lagapak ng kung-anogn bagay. Matulin siyang pumasok sa silid na pinag-mumulan ng mga lagapak at adding. Walang nakakita sa kanya. Ginamit niya ang may-tagabulag na putong (o putong sa ulo).

Natambad kay Barangaw ang nakahahambal na anyo ng isang aliping kasalukuyang hinahagupit ng palo. Isang lanubo ang walang patlang na dumarapo at dugu-duguang katawan ng kulang-palad.

“Ano kaya ang kasalanan ng aliping ito at ganito na lamang ang ginagawang pahirap sa kanya?” ang naisaloob ni Barangaw. Ang ipinagtataka niya’y kaharap si Lakan Mikas sa paluan. At sa malas ay ito pa nga ang nag-uutos sa gayong parusa.

Nakapamaywang pa ang lakan habang nag-uutos. “Hala, lantakan mo pa. Huwag mong titigilan hangga’t hindi nagtatapat.”

Unat-kilikiling hinagupit ng tagaparusa ang nakagulapay nang alipin. Hindi na siya namimili ng bahaging patatamaan. Kahit saan lumagpak ang kanyang lanubo ay pareho sa kanya. Pumikit na lamang ang kahabag-habag na aliping abut-siko ang pagkakagapos ng mga bisig.

“Huling tanong,. Alipin: Saan mo tinago ang iyong anak na dalaga?” nanlilisk na ang mata ng berdugo.

Hindi umimik ang tinanong. Mamatamisin pa niyang mamatay kaysa ituro ang pinagtataguan ng pinakamamahal na anak. Ayaw niyang ang kanyang balita-sa gandang anak ay mapasakamay ng sakim, malupit at maraming asawang lakan. Sa hindi niya pagkibo ay lalong nagpanting ang mga kaharap.

“Hala, utasin na ang hayop na iyan!” ang wika ng lakan.

Hinigpitan ng tagapalo ang hawak sa lanubo. Subalit, hindi na nakapagpigil si Barangaw. Sapat na ang kanyang nasaksihan. Bigla siyang nagpakita.

“Lakan Mikas, napakalupit mo! Sa halip na maging ama ka sa iyong mga tauhan ay ikaw pa ang nagpapahirap sa kanila,” ang mariing bigkas ni Barangaw.

“Sino kang pangahas na nasok dito?” anang lakan. “Berdugo, dakpin at ibilad sa araw ang taong iyan. At pagkatapos ay lunurin sa ilog!”

“Mabuti po yata’y paliguan muna ng palo,” at pagkasabi nito’y umakma nang hahagupitin si Barangaw ng mapalalong berdugo.

“Wala kayong puso!” Dahil dito’y pagsisisihan ninyo ang inyong kasamaan!” Sa isang kumpas ng tungkod ay napatda ang tagapalo sa kinatatayuan nito.

Sa galit ng lakn ay siya naman ang dumaluhong kay Barangaw. Akma na niyang kukumpasan ang huli nang biglang sumigaw ang natauhang alipin.

O, sugo ni Bathala, huwag po! Patawarin n’yo po ang aking panginoon! Tunay pong itinago ko ang aking anak!.

Sapagkat mayroon po siyang kasintahan ay siya’y nakatakda nang pakasal. Isinamo ko pong patawarin n’yo ang aking lakan!. Ahinang wika n alipin.

“Isa kang ulirang alipin. Sa kabila ng pag-lulupit sa iyo’y hinahangad mo pa rin ang kabutihan ng iyong masamang puno. Gayunma’y parurusahan ko ang dalawang itong nagpahirap sa iyo upang din a sila tularan pa ng iba.” Ang pagkasabi nito’y hinarap ni Barangaw ang lakan at ang berdugo. “Sapagkat wala kayong habag, gagapang kayo habang buhay. Gagawin ko kayong pagong.” At noon din ay naging maliit na hayop ang lakan at ang tagaparusa.

Samantala, ang alipin ay naging Malaya. At, nang lumaon ay siyang namumuno sa kanilang balangay.